Mga pag-iingat para sa mga remittance sa ibang bansa depende sa destinasyong bansa/rehiyon at bangko. Mangyaring basahin nang mabuti ang mga sumusunod, lalo na kung ikaw ay nagpapadala ng pera sa unang pagkakataon.
1. Bago mag-remit
(1) Ang pagbabayad ng mga deposito mula sa account na may ibang pangalan ay ipinagbabawal
Kapag nagdedeposito ng mga pondo sa pamamagitan ng bank transfer, siguraduhing maglipat gamit ang parehong pangalan ng iyong PayForex account. Kung ang pamamaraan ng paglilipat ay isinagawa mula sa ibang pangalan, ang pagpoproseso ng deposito sa PayForex ay hindi isasagawa. Mangyaring tandaan na kakailanganin mong isagawa ang pamamaraan ng refund mula sa banko (na pinag gamitan)
(2) Mga hindi tinatanggap na padala sa ibang bansa
- Pagpapadala sa mga dayuhang FX broker at iba pang financial institutions na hindi nakarehistro sa Japan
- Pagpapadala upang bumili ng mga foreign-issued lottery tickets sa Japan
- Pagpapadala para sa pagsusugal tulad ng mga internet casino at iba pang may kinalaman sa sugal
- Pagpapadala para sa layunin ng mga ilegal na transaksyon tulad ng pagbili ng mga droga, stimulant, handguns, pekeng perang papel, atbp
- Pagpapadala para sa layunin ng pagbili ng mga ipinagbabawal na pag-import tulad ng mga aklat na nakakapinsala sa kaayusan at moral ng publiko
- Pagpapadala para sa layunin ng pagbili ng mga exotic na hayop at halaman, mga naprosesong produkto, atbp. na ipinagbabawal ng Washington Convention, atbp.
- Pagpapadala para sa ibang layunin na sa tingin ng kumpanya ng Payforex ay hindi nararapat
(3) Additional beneficiary/pagdagdag ng mga impormasyon ng beneficiary in advance
Maaaring makumpleto nang mabilis ang padala kung na-irehistro nang advance ang mga impormasyon ng beneficiary. Pagkatapos mag-log in, piliin ang 「Remittance」 at simulan ang proseso ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagpili ng bansang papadalhan.
(4) Pagdeposito sa bank account
*Piliin ang 「Deposit to bank account」 sa screen at maglipat ng mga pondo sa inyong account sa parehong pangalan na inyong ginamit sa PayForex account. Ang inyong pondo ay madaling maililipat at the same time ng inyong deposit.
*Siguraduhin na ang bangko na inyong paglilipatan ng pondo ay tumatanggap ng instant transfer.
*Ang ibang bank transfer transactions (pre-deposits) maliban sa mga nabanggit sa itaas ay ipo-proseso sa mga oras ng PayForex business hours (Weekdays mula 9:30 a.m. hanggang 5:30 p.m.), at maaaring magreflect sa account sa next business day.
(5)Convenient at madaling 「Account Transfer」 sa pagdedeposito
Sa pamamagitan ng pag-set up ng two-factor authentication mula sa Payforex app at pagrehistro ng nauugnay na impormasyon sa bank account, madali kang makakagawa ng mga deposito sa bank transfer. Madaling makakapagpadala ng remittances sa ibang bansa nang hindi nahihirapang maglipat ng pondo.
※Kung gusto mong mag-set up ng two-factor authentication mula sa iyong browser, kakailanganin mong mag-download ng hiwalay na one-time na password app.
(6) Other Instant Deposits
*Kung ang pamamaraan ay sa Convenience Stores, ATM Pay-easy, Pay-easy (netbank Payment), ang mga pondo ay makikita sa iyong PayForex account halos real time.
*Mayroon charge fee sa bawat deposit transactions depende sa convenience store fee policy.
(7) Exchange rates
Ang exchange rate ng PayForex ay ina-update 24 hours sa isang araw. Ang normal rate ay napapalitan tuwing PayForex business hours, ito ay naka schedule ng weekdays (mula 9:30 a.m. hanggang 5:30 p.m.), ngunit sa oras ng walang business operations, ang rate ay napapalitan sa gabi o depende sa pagbabago or instability sa market ng foreign exchange.
2. Remittances
(1) Hindi maaring magpadala sa bansang Russia, Iran, North Korea, Sudan, Cuba, Syria, Belarus, Venezuela and some regions of Ukraine
*Mga rehiyon tulad ng Ukraine refer to Crimea, Donetsk, and Luhansk
(2) Mga kaso kung saan ang maliit na halaga ay hindi tinatanggap
- Ang pagpapadala gamit ang bank account via SWIFT, ang mga padala na mas mababa sa JPY 7,000 ay hindi maaaring maipadala.
- Ang pinakamababang halaga ng padala ay nag-iiba depende sa channel ng remittance, kaya mangyaring suriin ang remittance simulator para sa ibang detalye.
(3) Mangyaring maghanda ng mga dokumento na maaaring kailanganin sa pagpapatunay ng layunin ng padala
*Bilang pagpipigil sa money laundering, pagpopondo ng terorista, at iba pang mga krimen, maaari naming hilingin sa customer na magsumite ng mga tunay dokumento na nagpapatunay sa layunin ng remittance bago at pagkatapos gumawa pagpapadala.
*Pakitandaan, maaring makansela ang remittance kung hindi maisumite ang mga dokumento na kailangan o kung ang layunin ng remittance ay hindi malinaw na makumpirma mula sa mga isinumiteng dokumento.
*Ang mga kinakailangan na dokumento ay ang mga sumusunod; invoices, contracts, quotations, import declaration, at e-mail history na may malinaw na resibo na nagsasaad ng mga detalye ng remittance.
*Sa karagdagang impormasyon, upang maverify ang pagkakilanlan ng tatanggap o ang mga nauugnay sa tatanggap, kailangan din mag-sumite ng mga dokumento galing sa financial institutions, data ng dokumento ng tax return, atbp.
(4) Mga bansa at bangko na hindi maaaring gumamit ng "Other Bank Charges".
Tandaa na may ilang bansa/rehiyon at bangko na hindi kailangan ang "Other Bank Charges"
*Specify Amount to be Received Service
Para sa bank account remittance sa pamamagitan ng SWIFT, ang mga charges sa bangko ay karaniwang ibinabawas sa halaga ng padala bago matanggap ang pera.Para makasigurado na ang matatanggap na padala ay buo, mangyaring gamitin ang "Specify Halaga na Matatanggap na Serbisyo" na may opsyonal na bayad na 2,500 yen.
(5) Kung nais mag-iwan ng mensahe sa taaong tatanggap ng inyong padala "Only SWIFT and GBP"
Kung kailangan mag dagdag ng invoice o reference number sa remittance information, mangyaring suriin ang 「Enter information for the recipient here」 sa PayForex remittance screen.
Karagdagang impormasyon, sa case ng bank account remittance sa pamamagitan ng SWIFT, kung ilalagay mo ang e-mail address ng recipient, awtomatikong magpapadala ang PayForex ng email sa English upang ipaalam sa recipient ang inyong traansaction sa PayForex. Mangyaring huwag mag-atubiling gamitin ang nakalakip na Wire Advice Report PDF file na nakasulat sa Japanese at English.
Benepisyaryo | Mahahalagang puntos |
Europe, Middle East, atbp. | Bilang impormasyon ng benepisyaryo, ang pagpaparehistro ng IBAN code ay kailangan. Mangyaring i-refer sa " Listahan ng mga bansang gumagamit ng IBAN code. " Kumpirmahin. |
United Kingdom | Para sa GBP remittances, kung ang receiving bank ay 「REVOLUT LTD」, ang remittance ay magagawa sa pamamagitan ng pag-combine ng SORT code at ng account number. Tandaan, maaaring hindi maipdala ang inyong fund kung mali ang kombinasyon ng SWIFT at IBAN. |
Tsina | Para sa mga CNY na remittance sa mga corporate account, kinakailangan ang isang CIPS business code bilang karagdagang impormasyon ng bank account. *Kung hindi ka sigurado sa CIPS business code, mangyaring suriin sa tatanggap ng padala o sa receiving bank. |
Vietnam | Ang mga VND remittance ay limitado sa mga personal na remittance lamang. Para sa mga corporate remittance, mangyaring gamitin ang USD bank account remittance. |
Malaysia | Ang tinatanggap ng currency na maaring mai-remit sa Malaysia ay ang local na pera MYR: Malaysian Ringgit. |
Nepal | Ang tinatanggap ng currency na maaring mai-remit sa Nepal ay ang local na pera NPR: Nepalese Rupee |
Mexico | Para sa bank account remittance, ang account number ay dapat na nakarehistro sa isang 18-digit na CLABE code (CLABE Account Number). |
Jordan | Karagdagang impormasyon ng bank account, mangyaring magbigay ng purpose code (apat na digit na numero). |
Cambodia | Mga padala sa CANADIA BANK PLC.ay hindi tinatanggaap. |
Taiwan | Mga padala sa CHUNGHWA POST CO., LTD. hindi tinatanggaap. |
Indonesia | Sa case ng USD remittance na kasama ng pagbabayad ng presyo ng pagbili, kailangan ipakita ang numero ng invoice bilang karagdagang impormasyon ng bank account. Suriin ang numero ng invoice at isumite ang file ng data ng invoice sa support desk. |
Myanmar | Kung mapapadala ng USD, kinakailangan na magpresenta ng "ITRS code" (4 digit number) ayon sa layunin ng padala. Mangyaring makipag-ugnayan sa support desk pagkatapos kumpirmahin sa tatanggap ng inyong padala. |
Bahrain | Magsumite ng remittance code (3 alphabetic characters). Mangyaring makipag-ugnayan sa support desk pagkatapos kumpirmahin sa tatanggap ng inyong padala. |
UAE (U.A.E) | Magsumite ng remittance code (3 alphabetic characters). Mangyaring makipag-ugnayan sa support desk pagkatapos kumpirmahin sa tatanggap ng inyong padala. |
Canada | Ang 「Institution number at transit/branch number」 ay kinakailangan kung ang receiving bank ay nasa ilalim ng alinman sa mga sumusunod. Mangyaring isulat ito sa field ng pangalan ng pagtanggap ng bangko kapag nirerehistro ang benepisyaryo, o makipag-ugnayan sa support desk upang masigurado ang tamang detalye.
|
South Africa | Ang mga ZAR transfer ay maaaring tumagal ng isang araw (business hors) or higit pa sa isang araw bago matanggap ang padala. |
3. Matapos ang remittance
(1) Kung ang pondo ay nanatiling walang pagbabago matapos ang remittance, o kung nawala ang naka-iskedyul na remittance matapos mag-deposito
*Ang inyong balance or pondo ay mananatili lamang sa inyong account kung hindi ito ipapadala.
*Kung hindi mo planong magpadala ng pera, mangyaring sundin ang pamamaraan upang mag-withdraw ng pondo sa iyong sariling bank account mula sa 「Withdrawal」
(2) Ire-refund o i-hold ang remittance
*Kung ibinalik ang remittance sa pamamagitan ng SWIFT, maaaring mangolekta ng karagdagan na bayarin ang receiving bank o intermediary bank.